advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Annabelle Rama is disappointed in Heart Evangelista


Naglabas ng sama ng loob ang talent manager na si Annabelle Rama laban sa kanyang alaga na Kapuso star na si Heart Evangelista. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, iniulat na inihayag ni Annabelle ang sama ng loob kay Heart sa ipinatawag nitong press conference para sa kanyang birthday celebration sa Oct 28. Reklamo ni Annabelle, ina ng kambal na sina Richard at Raymond Gutierrez, nagpahayag ang mommy ni Heart na aalis na sa kanyang poder matapos pumirma muli ng kontrata ang aktres sa Kapuso Network.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ang nanay na umano ni Heart ang magma-manage sa aktres kaya aalis na ito sa pangangasiwa ni Annabelle. (Read: Heart Evangelista renews her ties with the Kapuso Network) “Nasaktan ako kasi ako talaga ang nagbuild-up sa kanya (Heart), after 3 years siyang nalaos ako nagbuild-up sa kanya…good luck to you girl," ayon kay Annabelle. Sinubukan ng GMA News na makuha ang reaksiyon ni Heart tungkol sa reklamo sa kanya ni Annabelle pero nabigo. – FRJimenez, GMANews.TV
LOADING CONTENT