Bembol Roco on his first gay role in Beauty Queen
âOh yes, kasi ang sarap." Ito ang direktang tugon ng premyadong aktor na si Bembol Roco nang tanungin kung nag-e-enjoy ba siya sa kakaibang role niya bilang transvestite sa Kapuso series na Beauty Queen. In character bilang si âAnya" nang makapanayam ni entertainment reporter na si Audrey Carampel si Bembol para Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Mula sa pagiging dramatic actor, at paminsan-minsan sa comedy, sinabi ni Bembol na kakaiba ang role na ginagampanan niya bilang si âAnya" na kakampi ng bida na si Iza Calzado sa Beauty Queen. Marami ang humahanga sa pagdadala ni Bembol sa karakter ng isang transvestite dahil nagagawa niya ito na parang totoo. Minsan ay naisipan na raw ng aktor na gumala suot ang kanyang wig at costume.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âPagkatapos ng taping sabi ko peram muna ng wig saka ng costume gusto ko lang lumarmiyenda," kuwento ni Bembol. âKonti lang ang nakakilala agad, marami yung nadadalawang-tingin..meron naglakas-loob, ââdi ba ikaw si Bembol Roco?, Oo, ngah." Ano naman kaya ang nasabi ng kambal niyang binata na sina Dominic at Felix sa kanyang kakaibang role? âNatutuwa sila although medyo shocking âdi ba, hindi naman talaga ako ganito," tugon niya na medyo malamya ang tinig. Biro pa ni Bembol, hindi rin daw siya natatakot na pagdudahan ng mga babae ang kanyang sexual preference dahil sa paglabas niyang transvestite sa Beauty Queen. âOk lang (na pagdududahan), yung men naman ang hinahanap ko medyo bagets," biro ng aktor. - FRJimenez, GMANews.TV