ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ang Pinaka! sa showbiz 2010: Kasalan, hinanakit, at pag-asa


Nagsimula ang 2010 sa kasalan at nagtapos din sa isang enggrandeng kasalan.

Naging buwena-manong event sa showbiz ng 2010 ang pag-iisang dibdib nina Ciara Sotto at non-showbiz boyfriend nito na si Jojo Oconer noong Enero 17 sa Manila Polo Club. Bagaman matagal na ang relasyon ng dalawa, tila naging sorpresa pa rin ang kasalan dahil huling linggo lang ng Nobyembre ng 2009 ipinaalam ang plano nilang kasal. At bago magpaalam ang 2010, tinapos ito nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa isang enggrandeng kasalan nitong Disyembre 22. Ito ang naging big event ng taon sa showbiz dahil sa dami ng malalaking pangalan sa industriya na dumalo, kabilang na si Pangulong Noynoy Aquino. Nitong December 18 naman itinakda ang kasal ng beauty queen na si Maggie Wilson sa construction magnate na si Victor Consunji. Ngunit bago ang kasal sa Misibis Bay Resort sa Legazpi, Albay, naging kontrobersiyal muna ang kanilang “sensual" prenup video na kumalat sa Internet at umani ng batikos mula sa hanay ng mga konserbatibong Pinoy. ((CLICK HERE to see full video.)
Isa pang surprise wedding ng taon ang pag-iisang dibdib nina Sunshine Dizon sa kanyang pilot boyfriend na si Timothy Tan noong Marso. Ginawa ang seremonya sa Club House ng isang exclusive subdivision sa Pasig. Naging kontrobersiyal naman ang pagpapakasal ni Robin Padilla sa television host na si Mariel Rodriguez sa India noong Agosto. (Basahin: Robin Padilla reveals he married Mariel in India last Aug 19) Ngunit bago ang pag-amin nina Robin at Mariel sa kanilang kasal sa India, naging mainit muna ang diskusyon sa inakalang kasalan sa paraan ng Ibaloi ceremony sa Baguio City noong September. Sa US naman ikinasal ang kontrobersiyal na starlet na si Krista Ranillo sa businessman-boyfriend nito na si Jefferson Nino Lim. Binati at nag-wish ng good luck si Sarangani Rep. Manny Pacquiao kay Krista, na romantikong naugnay sa kanya noonG 2009. At kahit ilang buwan pa lamang nagkakakilala, nagpakasal noong Nobyembre sa Hong Kong ang pinsan ni Joey de Leon na si Ariel Villasanta sa negosyanteng si Cristina Decena, na dating karelasyon ni Phillip Salvador. Si Ariel ay kilalang TV host/comedian at other half sa tandem na Ariel and Maverick. Sa Hollywood ay nagpalitan ng “I do" ang mga sikat na celebrities na sina Megan Fox at Brian Austen Green, at Javier Bardem kay Penélope Cruz.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Love is in the air talaga nitong 2010 dahil sa umusbong na pag-iibigan ng iba pang celebrities katulad nina Geoff Eigenmann at Carla Abellana, gayundin si Maxene Magalona sa negosyanteng si Neil Arce. Ngayong taon din lubos na nalantad ang pag-iibigan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Sinasabing in a relationship naman sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco, at in love din ang Kapuso star na si Heart Evangelista sa model-turned-actor na si Daniel Matzunaga. Bigla naman daw nag-click ang pagsasama nina Jenny Mercado at Dennis Trillo. At umabot sa isla ng Thailand ang pag-iibigan ng Survivor castaways na sina Michelle Madrigal at model na si Jon Hall. Balitang nagkakamabutihan naman sina Jef Gaitan at Mark Bautista, ganun din sina Rachelle Ann Go at John Prats. Break-ups Ganunpaman, napuno rin ang taon ng hinanakit. Tatlong break-ups ang maituturing na “Top 3 Hiwalayan of the Year."
Una rito ang break-up nina Pangulong Noynoy Aquino at Valenzuela Councilor na si Shalani Soledad. (Basahin: PNoy and Shalani keep mum about their rumored breakup) Balitang nililigawan ngayon si Shalani ng kanyang co-host na si Willie Revillame – na naging tagasuporta sa kampanya noong May presidential elections ni Sen Manny Villar. (Basahin: Aquino didn't watch Shalani's TV show) Naging maugong din ang balitang hiwalay na sina Bossing Vic Sotto at TV host na si Pia Guanio. Gayunman, tahimik ang dalawa kung ano talaga ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Nang umugong ang kanilang hiwalayan, nagbigay ng maigsing pahayag si Pia na “under construction" ang relasyon nila ni Bossing. At sa isang pambihirang pagkakataon na nagkasama ang dalawa sa Showbiz Central noong Dec 12, sinabi ni Vic na wala siyang pinagkakautangan para magpaliwanag pagdating sa kanyang pribadong buhay. Ngunit kahit nagkulitan ang dalawa sa naturang panayam, wala naman silang direktang pahayag kung sila pa rin talaga o wala na. Completing the top 3 list ng hiwalayan ay ang mag-asawang sina Kris Aquino at basketball star na si James yap. Humantong pa sa korte ang usapin ng kostudiya ng kanilang anak na si Baby James.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Single naman ulit ang Brazilian bombshell na si Diaina Menezes matapos niyang ipaalam na natapos na ang magandang pagtitinginan nila ng radio host na si Sam YG na mas kilala bilang si Shivaker. Naghiwalay na rin ng landas ang Kapuso star na si Richard Gutierrez at StarStuck alumna na si Jewel Mische. Matapos ang paghihiwalay ng dalawa ay na-link si Richard sa Survivor castaway na si Solenn Heussaff. Pero iginiit nina Richard at Solenn na “best friends" lang sila. Napabalita rin na naghiwalay na ang showbiz couple na sina William Martinez at Yayo Aguila. Ngunit hindi pa rin nawala ang pagmamalasakit nila sa isa’t isa nang alagaan ni Yayo si William nang ma-stroke ang aktor. Ikinagulat din ang biglang paghihiwalay ng sikat na Hollywood couple na sina Scarlet Johansson at Ryan Reynolds. Pagluluksa Bukod sa kasalan, sinalubong din ng kalungkutan ang 2010 nang pumanaw ang batikang aktres na si Mila Ocampo, ina ni Snooky Serna, noong Enero. Abril 12 naman nang pumanaw sa Philippine General Hospital ang veteran comedian na si Reynaldo Hipolito, na mas kilala sa showbiz sa pangalang Palito. Siya ay 76 anyos. (Basahin: Erap saddened by loss of ‘dear friend’ Palito) Sinundan ito noong Abril 30 ng pagpanaw ng sikat na manghuhula at itinuturing na Nostradamus of Asia na si Jose Maria Villanueva Acuin, mas kilala bilang Jojo Acuin. Ilang linggo ring namalagi sa Philippine Heart Center si Acuin bago siya pumanaw sa edad na 63.
Ang mga artistang pumanaw ngayong taon... Paalam at salamat sa ibinahagi ninyong talento
Hulyo 24 naman nang sumakabilang buhay dahil sa komplikasyon sa sakit na brain cancer ang isa pang komediyante, si Redford White, sa gulang na 54. Kabilang ang comedy king na si Dolphy sa mga unang dumalaw sa burol ng kanyang kabigang si Redford. (Basahin: Comedy King Dolphy, Vic Sotto visit Redford White’s wake) Dalawang linggo matapos pumanaw si Redford, sumakabilang buhay naman dahil sa sakit na colon cancer ang beteranong actor na si Charlie Davao, ama ni Ricky Davao. Nagpaalam na rin sa mundo ang beteranang komediyana na si Metring David, 84 anyos, noong Oktubre. Nagluksa naman ang pamilya ni Cesar Montano nang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ang 23-anyos niyang anak na si Angelo. Nakita ang duguang katawan ni Angelo sa kanilang bahay sa Quezon City. Nangyari ang trahedya noong Marso habang nangangampanya si Cesar sa lalawigan ng Bohol dahil tumakbo siyang gobernador ng lalawigan. Nabigong manalo si Cesar sa ginanap na halalan. Marso rin nang aksidenteng mahulog sa kanilang condo sa Mandaluyong at mamatay si Edward James Lim, 26, anak ng television host na si Tony Rose Gayda. Hindi naman nagawang manungkulan sa Malabon ang kapatid ni Angelika dela Cruz na si Edward, 28 anyos, nang masawi ito sa vehicular accident sa NLEX. Kapapanalo pa lang ni Edward bilang konsehal sa Malabon nang maaksidente ito. Naulila naman sa magulang si Francine Prieto nang pumanaw ang kanyang ina na si Gng. Amelia dahil sa sakit na cancer. Ikinalungkot rin ng marami ang maagang pagpanaw ni 2009 Bb. Pilipinas-International Melody Gersbach dahil sa vehicular accident sa Camarines Sur noong Agosto. Pumanaw na rin ang isa sa mga suspek sa brutal na pagpatay sa premyadang aktres na si Nida Blanca, na si Philip Medel noong Abril dahil sa pneumonia. Naulila rin sa ina noong Disyembre 11 ang actor na si Gardo Versoza nang pumanaw si Gng. Purisima "Baby" Polintan Torres. Siya ay 68 anyos. Maging ang Hollywood ay nagluksa sa pagpanaw ng ilang sikat na personalidad tulad nina Dennis Hopper, Corey Haim, Gary Coleman, at komedyanteng si Leslie Nielsen na sumikat ng husto sa kanyang comedy movie na Naked Gun. Baby boom
Kung may pumanaw, mayroon ding isinilang. Ilang celebrities ang nagluwal ng kanilang sanggol, at may mga nabuntis ngayong taon. Kabilang na dito si Judy Ann Santos na nagsilang kay “Lucho," na anak nila ng TV host na si Ryan Agoncillo. Sa noontime show na Eat Bulaga unang ipinalaam ng mag-asawa ang pagbubuntis at ganoon din ang panganganak ni Juday. (Basahin: It’s a healthy baby boy for Judy Ann Santos) Sa Amerika naman isinilang ng young Kapuso star na si LJ Reyes ang first baby boy nila ng kanyang boyfriend na si Paulo Avelino. Ikinagulat ng showbiz ang biglang pag-alis sa showbiz noon ni LJ para magtungo sa US. June naman nang iluwal ng dating miyembro ng EB Babe dancer na si Lian Paz ang first baby nila ni Paolo Contis na pinangalanang Xonia Aitana. Ang pagkakaroon ng anak ang nagpabago umano sa pananaw sa buhay ng aktor. Mula naman sa Hong Kong ay ipinaalam ng dating sexy star na si Juliana Palermo ang pagbubuntis nito. Pero tumanggi ang aktres na ipaalam kung sino ang ama ng bata.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Isinilang naman ni Gladys Reyes ang ikatlo nilang baby ni Christopher Roxas sa Asian Hospital last November. Pinangalanan nila ang bata na si Grant Carlin Sommereux. Matapos ang biglaang papakasal last March kay Timothy Tan, kasunod na ibinalita ang pagbubuntis ni Sunshine Dizon. Nagsilang din ng baby Boy ang US actress na si Kelly Preston, asawa ng Hollywood star na si John Travolta. Lalaki rin ang naging anak ng international singer na si Alicia Keys, at nagkaroon din ng pangatlong anak this year ang Hollywood actor na si Kevin Costner mula sa kanyang misis na si Christine. Conflicts and reconciliation
Naging usap-usapan naman sa social networking sites ang grupo ng mga young actress na “Ampalaya Anonymous" dahil sa napabalitang pagkakampihan laban kay Pauleen Luna. Ang Ampalaya Anonymous ay kinabibilangan nina Maxene Magalona, Bianca King, Bubbles Paraiso, Cristine Reyes, Glaiza de Castro, Rich Asuncion, at Angel Locsin. Sa isang ulat sa Philippine Entertainment Portal, sinabi ni Bianca na napagkatuwaan lang silang magkakaibigan na ihambing sa “ampalaya" ang kanilang grupo nang mapag-usapan ang bitterness sa kani-kanilang lovelife. "Kumakain naman tayo ng ampalaya 'tapos, 'Bitter pala tayo, o, go! Ganun na lang, Ampalaya... Ampalaya Anonymous!," ayon naman kay Bubbles. Ngunit itinanggi ng mga young star na mayroon silang pinuntiryang personalidad. Posibleng nami-misinterpret lang daw paminsan ang kanilang tweet, paliwanag naman ni Rich. Sa kabila ng naturang kontrobersiya, naging maaayos at magkasundo naman sina Pauleen at Maxene nang magkasama sila sa Kapuso afternoon soap na Trudis Liit. Naging usap-usap din ang umano’y hindi pagkikibuan sa Sunday variety show na Party Pilipinas nina Heart Evangelista at Bianca. Ngunit nitong Oktubre ay ibinalita ng dalawa na naresolba na ang hindi nila pagkakaunawaan. Ngunit kung naging maayos na ang lahat kina Heart at Bianca, nakabangga naman ni Heart ang kanyang manager na si Annabelle Rama. Nagpupuyos sa galit si Annabelle dahil sa plano ni Heart na kumalas sa kanyang poder kapag natapos ang kontrata sa kanya ng aktres bilang co-manager sa 2011.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kung napasabak sa hidwaan si Annabelle, at peace naman ang anak niyang si Richard nang ayusin nila sa labas ng korte ang demandahan nila ng PEP editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon. Ang demandahan ay bunga ng isang artikulo na lumabas sa PEP tungkol sa umano’y mainitang pagtatalo nina Richard at Michael Flores na hindi naman naganap. Naging mainit din ang balita tungkol sa hidwaan nina Claudine Barretto at Angelica Panganiban. Tungkol ito sa kumalat na intriga na pinagtataksilan ni Claudine ang kanyang asawa na si Raymart Santiago. Nakiusap sina Claudine at Raymart na itigil na ang pagkakalat ng intriga na maghihiwalay sila dahil hindi ito totoo at nakasasama sa kanilang mga anak. Naging maganda naman ang 2010 sa dating magkasintahan na sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia. Mula nang isilang ni Jen ang anak niya kay Patrick more than a year ago, pinayagan na niya ang aktor na mabisita ang kanilang anak na si AJ. Naayos din kaagad ang nangyaring iringan kina Marian Rivera at co-star nito sa Stairway to Heaven na si Bela Padilla. (Basahin:Marian Rivera jealous over newcomer Bela Padilla?) Maging ang hindi pagkakaunawaan nina Lotlot de Leon at Pilita Corales - mother ng kanyang ex-husband na si Ramon Christopher – ay naresolba rin. Nagkaroon naman ng tensiyon kina Michelle Madrigal at Audrey Miles nang magkasama sila sa isla para sa Survivor Philippines Celebrity Showdown. Kasama rin kasi nila sa isla si Jon Hall na ex-bf ni Audrey, na current lover naman ni Michelle. Balik-Kapuso at iba pa Ang taong 2010 ay naging taon din ng balik-Kapuso. Kabilang dito sina Cesar Montano, Rachelle Ann Go, Mark Bautista at Edu Manzano, at ang R&B singer na si Kris Lawrence.
Balik-Kapuso!
Ipinakilala rin bilang fresh talents ng GMA 7 ang tinawag na ‘Bublets’ ng Bubble Gang na sina Gwen Zamora, Andi Manzano, at Internet sensation na si Ellen Adarna. Lumipat din ng bakod ang sexy at magandang si Sam Pinto, na nabigyan ng big break sa showbiz bilang leading lady ni Sen. Bong Revilla sa Si Agimat at si Enteng Kabisote, with Vic Sotto. Si Gwen ang masuwerteng nakakuha ng role bilang ‘Faye’ na wife ni Enteng Kabisote. Nagpasya si Vic na huwag nang kunin muli bilang Faye si Kristine Hermosa dahil ikakasal na ang aktres sa kanyang anak na si Oyo Boy sa January 2011. Sa sikat na reality series na Survivor Philippines, tinanghal na unang Celebrity Sole Survivor ang binansagang Mr Nice Guy sa isla na si Akihiro Sato. Pinag-usapan din ang bagong child wonder ng Kapuso na si Jillian Ward na kaagad sumikat matapos makuha ang role bilang Trudis Liit na nagpasikat din noon sa original na Trudis na si Gov. Vilma Santos.
Naging kontrobersiyal din ang pagpapa-botox ni Charice Pempengco kay Dra Vicki Belo bilang paghahanda niya noon sa paglabas sa sikat na musical series sa US na Glee! Inakusahan naman na nanghalay ang actor-turned-politician na si Patrick Dela Rosa, habang naging biktima ng rape ang apo ng comedy king na si Dolphy. Trahedya naman ang sinapit ng aktres na si Chin Chin Gutierrez nang masunog ang kanyang bahay sa ikalawang pagkakataon. Nalagay naman sa bingit ng kamatayan ang child star na si Buboy Villar nang dapuan ng sakit na dengue, habang dalawang beses namang isinugod sa ospital si Jennylyn Mercado na pinapaniwalaang sanhi ng sakit nito sa puso. - YA, GMANews.TV