ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sen Bong and Vic Sotto announce Si Agimat at Si Enteng Kabisote sequel


Asahan na ang sequel ng blockbuster movie na Si Agimat at Si Enteng Kabisote matapos ideklara nina Sen Ramon “Bong" Revilla Jr at Vic Sotto na masusundan pa ang kanilang tambalan sa pelikula. “Nagkamay na po kami (kanina ni Sen Bong) at ngayon pa lang on nationwide TV, na siguradong may part 2 ang Si Agimat at Si Enteng Kabisote," pahayag ni Vic sa panayam ng Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Sa ulat, sinabing hindi natitinag sa pagiging number 1 ang pelikula nina Bong at Vic mula nang magsimula ang Metro Manila Film Festival (MMFF) nitong Disyembre 25. Ayon kay Vic, inaasahan nilang aabot na sa P100 million mark ang kita ng pelikula sa festival sa ikaapat na araw ng MMFF. Bakit nga ba pumatok sa mga manonood ang kombinasyon nina Sen Bong at Bossing Vic?
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Palagay ko yung mga tagahanga ni Sen Bong, at yung mga tagahanga ni ‘Enteng Kabisote parang nagsama-sama sila. Hindi nga namin maintindihan kung papaanong nangyari, kung anong kaguluhan ito," biro ni Vic. “Pero ganunpaman, masayang masaya kami at nais naming magpasalamat sa lahat ng tumangkilik at tumatangkilik sa pelikula," idinagdag ng ace comedian. Nagpasalamat din si Sen Bong sa mga sumuporta sa kanilang pelikula at hinikayat ang mga manonood na tangkilikin din ang lahat ng mga pelikulang kalahok sa film festival. “Nagpapasalamat ako sa Panginoon, sa lahat ng sumusuporta …hindi namin inaakala ni Vic na magiging ganito kalakas ang turnout ng pelikulang ito," ayon sa actor-turned politician. - FRJimenez, GMANews.TV .