Aljur Abrenica happy with the successful pilot episode of Machete
Masaya si Aljur Abrenica at mga taong nasa likod ng bagong fantaserye ng GMA 7 na Machete, dahil naging maganda ang pagtanggap ng mga manonood sa pilot episode nito nitong Lunes. âMaraming maraming salamat po sa suportang ibinigay ninyo. Handog po namin ito sa inyong lahat, sana patuloy po ninyong suportahan at asahan po ninyo na hanggang sa matapos po ang Machete hindi po namin kayo bibiguin," pahayag ni Aljur sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Binisita rin ni entertainment reporter Audrey Carampel ang mga cast at crew ng series sa kanilang taping noong Lunes. Pansamantala nilang itinigil ang trabaho upang sama-samang mapanood ang pilot episode nito.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nitong Lunes ay ipinakita na ang alamat ni Machete at ang bawal na pag-iibigan nila ni Aginaya na ginagampanan ni Bela Padilla. Takaw-tukso nga raw ang dalawa sa set kaya naman hindi maiwasan na may magtanong kung mauwi kaya sa totohanan ang kanilang pag-iibigan sa set. Inamin naman ni Aljur na inaya na niyang kumain sa labas si Bela at nagpaunlak naman daw ang dalaga. Pero sa simula ay sinabi ni Bela na nailang siya sa naging first date nila ni Aljur. âNatutuwa naman ako, na-relax ako. Hindi kasi ako usually lumalabas na kasama mga guys, so nung una very uncomfortable ako, feeling ko napansin niya âyon. Pero natuwa ako nag-take siya ng time na mag-bonding kami," kuwento ng young actress. Pero ang ka-love triangle nila sa series na si Ryza Cenon, may ibinisto tungkol kina Aljur at Bela. âMeron twinkle twinkle little star sa mga mata nila," natatawang sabi ni Ryza. - FRJimenez, GMANews.TV