Cebu dancing inmates inspire episode in 'Glee'
Mistulang binigyan ng pagkilala sa sikat na comedy-musical series na Glee Season 2 ang pagkakaisa ng Cebu dancing inmates makaraang mabanggit sila sa isang episode nito. Unang pumutok ang pangalang Cebu dancing inmates noong 2007 nang maging viral o pumatok sa Youtube ang video nila habang sinasayaw ang awitin ni Michael Jackson. Ayon kay GMA News reporter Josh Villanueva, umabot sa mahigit 30 milyon ang nakapanood sa video ng Cebu inmates sa buong mundo. Napasama sila sa listahan ng top 10 viral videos ng Time Magazine noong 2007, at top 50 Youtube Greatest hits ng TIME noong 2010. Binanggit din sila ng sikat na Hollywood blogger na si Perez Hilton noong 2009.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa Super Bowl episode 11 ng Glee kamakailan, ginawang halimbawa ng Glee teacher na si Will Schuester ang pagkakaisa ng Cebu inmates para mabuo ang gagawing pagsayaw ng cast ng musical show sa tugtuging Thriller ni Michael Jackson. "Remember a few years ago when that Philippine prison did that mega performance of Thriller and put it on Youtube? Now in the 4 months it took to rehearse that number, prisoner on prisoner crime dropped 80%. Doing that, together, as a team, created unity inside that prison," paalala ni Will. Bukod sa karangalan ng mga Pinoy na mabanggit sa sikat na musical series na Glee, ito ay paalala rin sa kahalagahan ng pagkakaisa ng mga Pilipino. - FRJImenez, GMA News