ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Patrick Garcia on being single: ‘Masaya na ‘ko sa anak ko lang’


Masaya raw si Patrick Garcia sa ugnayan nila ngayon ng ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado na ina ng kanyang anak na si Alex Jazz. At kung nagiging matatag ang relasyon nina Jennylyn at nobyo nitong si Dennis Trillo, mas gusto raw muna ngayon ni Patrick na manatiling single. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, iniulat ni entertainment reporter Lhar Santiago ang bagong napagkasunduan nina Patrick at Jennylyn para sa kanilang anak. Ayon kay Patrick, napagdesisyunan nila ni Jen na huwag ng paghatian ang araw ng kanilang anak kung saan pinapayagan ng aktres ang aktor na maiuwi ang bata sa kanyang bahay. “Ayoko kasing maguluhan si Jazz kung saan bahay mag-i-stay. Now we decided na sa bahay na lang ni Jen at doon na lang ako bibisita para hindi maguluhan yung bata. Gusto ko isang bahay lang kasi ang gusto kong tumatak sa utak niya," paliwanag ni Patrick.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nagpapasalamat si Patrick kay Jennylyn dahil ipinagkakatiwala sa kanya ang kanilang anak. Kaya naman ayaw daw muna ng aktor na maging isyu ang paggamit ang apelyido ng bata. “For now ayoko munang pag-usapan ‘yon, enjoy muna at saka na lamang iyon pag- usapan," ayon sa aktor, na nagsabing musika sa kanyang pandinig ang patawag ng anak sa kanya na daddy. Habang si Jennylyn at may bagong pag-ibig sa katauhan ni Dennis, kamusta naman ang lovelife ni Patrick? “Ayoko munang magka-lovelife, complicated masyado eh masaya na ko sa anak ko lang," pahayag niya. Para sa anak, handa na raw uli si Patrick na magtrabaho. “Naiintindihan naman nila ako last time na hindi ko tinanggap yung project with Jen because I want to spend more time with my son…’yon I’m just waiting for the next project," paliwanag niya. Inamin din ni Patrick na nag-alala siya sa naging problema ni Jennylyn sa kalusugan. Bilang ina ng kanilang anak, wala raw ibang hangad ang aktor kundi ang maging malusog ang pangangatawan ng aktres para na rin kay Alex Jazz. - FRJImenez, GMA News