Jean Garcia, ayaw daw patulan ang ‘buntis issue’ sa anak na si Jennica
Hindi raw apektado ang relasyon ng mag-inang Jean Garcia at Jennica Garcia sakabila ng tsismis na nagdadalang-tao ang Kapuso young star na si Jennica. Sa Showbiz Central last Sunday, pinabulaanan at tinawanan lang ni Jennica ang mga hinala na siya ang tinutukoy na young star sa blind item na umanoây buntis. Ayon kay showbiz reporter Aubrey Carampel, inilarawan sa blind item na ang mga magulang ng buntis na young star ay mga artista rin at nagsimula rin bilang mga young star. Matatandaan na ang ina (Jean) at ama ni Jennica na si Jigo Garcia ay kapwa produkto ng sikat na programa noon ni German âKuya Germs" Moreno na âThat Entertainment." Pero sinabi ng boyfriend ni Jennica na si Alwyn Uytingco, ayaw daw patulan ni Ms Jean ang intriga kaya sila na lamang ni Jennica ang nagsasalita para pabulaanan ang intriga. âSiguro wala na lang talagang masabi mga tao, yun nga lang pangit lang ang impression⦠nabibigyan ng ibang dating yung nangyari. Gusto ko lang i-clarify na hindi po talaga totoo," pahayag ni Alwyn sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Sinabi sa ulat na going strong pa rin ang pag-iibigan nina Jennica at Alwyn sa kabila ng tsismis. Matatandaan na kamakailan ay nakumpirma na nagdadalang-tao ang young star na si Andi Eigenmann. - FRJ, GMA News