Rachelle Ann Go answers issues linking her to Cesar Montano
Sinagot ni Rachelle Ann Go ang kumakalat na tsismis na nagkadevelopan sila ni Cesar Montano nang magkasama sila sa isang show sa Canada kamakailan. Sa panayam ni showbiz reporter Cata Tibayan, sinabing kapansin-pansin na maganda ang aura ng singer-actress-host na si Rachelle Ann kahit pa kakahiwalay lang nito sa boyfriend na si John Pratts a few months ago. At makaraan nga na mapabalita ang break-up nila ni John, lumabas naman ang balitang pinopormahan umano ng star ng sitcom na Andres de Saya na si Cesar Montano si Rochelle Ann.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âWala po talaga⦠kung kanino man nagsimula yung intriga na âyan, ng mga isyu na âyan ay naku!... Sobrang mabait at kuyang-kuya (si Cesar)," pahayag ni Rochelle Ann sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Masaya si Rochelle Ann dahil naging mainit ang pagtanggap sa kanila nina Cesar at Mark Bautista ng mga tao sa Canada. Kasabay nito, nagpapasalamat din siya sa suporta at pagmamahal na ibinibigay ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Idinagdag pa niya na nakakarelate siya sa title ng kanyang bagong album na âUnbreakable." âMasasabi ko na mas tumibay ako siyempre. Kung anuman yung darating pa hindi na ako magpapadala sa mga intriga na dumatingâ¦basta ako masaya," pahayag ni Rochelle Ann. - FRJimenez, GMA News