Bakas ng aksidente halos 'di na raw halata kay Joseph Bitangcol
Nagsisilbing motibasyon daw kay Joseph Bitangcol ang hangarin na makabalik na sa trabaho kaya naman nagiging mabilis ang kanyang paggaling matapos maaksidente na nangyari last month. Sa panayam ni showbiz reporter Lhar Santiago, labis-labis ang pasasalamat ni Joseph sa Diyos sa pangalawang buhay na ibinigay sa kanya. Nagpapasalamat din ang aktor sa mga taong tumulong sa kanya para maipaopera ang mga pinsalang tinamo sa pagbangga ng trak sa kotseng sinasakyan ng grupo ni Joseph sa Antipolo noong Agosto. Sa tindi ng banggaan, muntik nang masira ang mukha ng aktor. Nagkaroon ng crack sa kanyang pisngi at baba at kinailangang lagyan ng titanium plate.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Maliban sa benda sa kaliwang kamay, halos hindi na raw mapapansin ngayon kay Joseph ang bakas ng kinasangkutang aksidente. âMaraming nagsabi sa akin na baka next year pa nila ko makita uli eh, pero heto wala pang one month halos, malapit na âkong maging normal uli," pahayag ni Joseph sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Martes. Umaasa si Josehp na pagkaraan ng dalawa o tatlong buwan ay tuluyan na siyang gagaling at makababalik sa kanyang trabaho. âGusto kong pasalamatan ang Eat Bulaga family, sobrang thank you sa inyo dahil ipinarandam nila ang suporta nila sa akin kahit nasa ospital pa ako," ayon sa aktor. -- FRJImenez, GMA News