ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Aiza Seguerra upset over pregnancy rumors


Hindi itinago ng dating child wonder na si Aiza Seguerra na naiinis siya sa muling pagbuhay ng tsismis na siya’y buntis. Sa taped interview ng Startalk nitong Sabado, tinawag ni Aiza na korni at aksaya ng oras ang pakulo na siya’y nagdadalang-tao. “Its like a year ago so it parang funny na biglang nauungkat na naman is it because I have a new show?… So, I don’t like it. I don’t like talking about my personal life and if I’m pregnant you would know," pahayag ni Aiza, isa sa mga mentor sa show na Protégé.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Minsan na kasing nasabi noon ni Aiza na bukas siya sa ideya na magkaroon ng sariling anak para sa kanila ng kanyang longtime girlfriend na si Chen Sarte. Nakakatawa umano at magiging nakakasama kung mabubuhay ang tsismis na buntis siya dahil nadagdagan ang kanyang timbang. "Tagal nang lumabas ang isyu na 'yan tapos eto na naman ulit…parang ano every time na maggi-gain ako ng weight bunstis ako? I eat often yun lang 'yon," anang acoustic singer. At nang tanungin kung nananatili pa rin ba sa isip niya na magkaroon ng sariling anak, tugon ni Aiza: “Nasa plano ko, yes. But sa akin manggagling ‘yon hindi sa ibang tao." - FRJimenez, GMA News

Tags: aizaseguerra