Susan Roces, hindi tatangging makatrabaho si Lovi Poe
Inihayag ng batikang aktres na si Ms Susan Roces na wala siyang tatanggihan na artista na makatrabaho kahit ang Kapuso star na si Lovi Poe, na anak ng kanyang mister na si Fernando Poe Jr., sa ibang babae. Sa press conference para sa iniindorso niyang brand ng gamot, sinabi ni entertainment reporter Aubrey Carampel na masayang nakisalamuha sa showbiz press ang veteran actress. Nang tanungin si Ms Susan kung okey lang ba sa kanya na makasama sa proyekto si Lovi, tugon ng aktres: âNung magsimula akong mag-artista wala namang kapwa artista ko na tumanggi na makasama ako, hindi ko gagawin âyon sa kapwa artista ko." Samantala, kahit halos pitong taon na ang nakalilipas muna nang pumanaw ang mister niyang si FPJ, nagiging emosyunal pa rin si Ms Susan kapag napag-uusapan ang âDa King" ng Philippine showbiz.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âDarating na naman ang November 1, mga okasyon na nagpapaalala sa atin, darating ang death anniversary, ang Paskoâ¦pero we must learn to make our lives pleasant," pahayag ni Ms Susan sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Patuloy din umanong binabantayan ni Ms Susan ang ginagawang imbestigasyon sa umanoây dayaan na naganap noong 2004 presidential elections kung saan tumakbo at pinapaniwalaang dinaya ang kanyang mister na si FPJ. Bagaman ayaw na raw ng biyuda ni Da King na makigulo pa sa imbestigasyon, hangad lang niya na hindi na maulit ang dayaan sa halalan. âMaraming nakapanakit, tao lang ako may damdamin. Masakit para sa iba⦠ang nawala lang sa kanila ay boto nila, para sa akin ang nawala ang buhay ko," emosyunal niyang pahayag. Naging masaya naman ang tugon ni Ms Susan at natawa pa nang tanungin kung may plano siyang pasukin din ang pulitika. âKapag nabuhay ako uli⦠sa ngayon âwag na muna, puno na ang schedule," natatawa niyang pahayag. - FRJimenez, GMA News