ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Avril Lavigne, guwardiyado nang dumating sa Pilipinas


Dumating na sa bansa ang Canadian pop singer na si Avril Lavigne, ayon sa ulat ng GMA News Unang Hirit nitong Huwebes. Nanggaling si Avril sa Beijing, China na isa sa mga stop ng kanyang “The Black Star" tour. Sa Huwebes naman ng gabi (mamaya na), gaganapin ang kanyang concert sa Smart Araneta. Ayon sa ulat, naging mahigpit ang seguridad sa pagdating ng pop superstar dakong 11:30 p.m. nitong Miyerkules kaya hindi nagkaroon ng pagkakataon ang media na makapanayam siya. Ito na ang ikalawang beses na magtatanghal si Avril sa harap ng kanyang mga Pinoy fans. - FRJ, GMA News

Tags: avrillavigne