ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Janine Gutierrez, makakasama ang kanyang uncle Richard Gutierrez sa bagong Kapuso series


Sobrang excited daw ang bagong Kapuso young star na si Janine Gutierrez. Bukod sa magsisimula na kasi ang kanyang first television series, makakatrabaho pa niya ang kanyang tito na si Richard Gutierrez. Si Richard ang bida sa inaabangang primetime soap na, Makapiling Kang Muli. Kasama rin dito bilang leading ladies ni Richard sina Carla Abellana at Sarah Lahbati. “Sobrang excited po ako na ibinigay po sa akin ‘yon kasi nandun po siya (Richard), tapos nandun din po uncle Rocky ko, tapos si Tito Ricky (Davao) pa director," pahayag ni Janine sa Showbiz Exclusive ng GMA News TV nitong Miyerkules. Si Janine ay anak nina Lotlot De Leon at Ramon Christopher, na kapatid sa ama ni Richard. Kasama rin sa naturang proyekto ang veteran actress na si Gloria Romero, at sina TJ Trinidad, Mark Anthony Fernandez, Paolo Paraiso, at John Lapus. - FRJ, GMA News