We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
"I am awed with the Philippines! Super bongga! Super, super, super bongga!" Ito ang inihayag ng Hollywood aktor at model na si Ian Somerhalder sa daan-daan niyang fans na dumalo sa kanyang special appearance nitong Huwebes sa isang mall sa Pasay City. Hindi mawari ang pagkasabik ng kanyang fans nang dumating si Somerhalder sa Main Mall Atrium ng SM Mall of Asia. Ito ang huli niyang public appearance sa bansa bago siya umalis patungong Europe. Nanatili ng limang araw ang aktor sa Pilipinas para sa isang proyekto kasama ang lokal na clothing brand na Penshoppe.
Pusong maka-Kalikasan Ginamit ni Somerhalder ang pagkakataon hindi lamang para magpasalamat sa kanyang mga fans sa bansa, ngunit manawagan din upang protektahan ang kalikasan. Lubos na napahanga sa kagandahan ng bansa ang aktor nang bumisita siya sa Manila at sa Lagen Island sa El Nido sa Palawan para sa kanyang photo shoot kasama ang Penshoppe. "You guys live in the most beautiful country in the whole world. So you guys should enjoy it, appreciate it, and most of all, protect it," sambit ni Somerhalder. Maliban sa pagiging sikat na aktor at model, kilala rin si Somerhalder bilang isang aktibong environmentalist. Sa katunayan, mayroon siyang itinayong environmental foundation, ang IS (Ian Somerhalder) Foundation na may layuning "to empower, educate and collaborate with people and projects to positively impact the planet and its creatures." "Look at all the energy in this room, I can tell you, you have the ability to change whatever you want," aniya. Idinala niya ang kanyang foundation sa Pilipinas sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa Penshoppe. Nagkasundo si Somerhalder at ang mga opisyal ng Penshoppe na magtulungan upang itaguyod ang layunin ng foundation. "ISF and Penshoppe's getting married. And we're gonna make a lot of babies," aniya. Dahil dito, nangako si Somerhalder na babalik siya sa bansa."I will be back here. I'll go to all 7,107 islands of the Philippines!" Somerhalder mania Sa panayam ng GMA News Online, inihayag ni Bernie Liu, president at CEO ng Golden ABC, ang mother company ng fashion at lifestyle brand na Penshoppe, na hindi planado ang kaganapan ngayong Huwebes. Pinagbigyan lamang umano nila ang kahilingan ng fans na makita ang kanilang idolo bago ito umalis ng bansa. "This wasn't part of the program. There was so much clamor from the public to want to see him. And he was generous enough to say yes," ayon kay Liu. Dahil biglaan umano ang kaganapan, hindi na sila nabigyan ng pagkakataon upang maayos ang schedule. "People ask, why now? Not weekend? We had to adjust to his schedule." Naniniwala naman siyang naging matagumpay ang pagbisita ni Somerhalder. "I know there are other celebrities in town and I will not mention who they are, but I think, we can tell who has more followers in this generation."
Mga masugid na tagahanga Samantala, hindi naman mapigilan ng ilang kanyang mga tagahanga na maluha nang makita ang kanilang idolo. Ayon sa isa sa kanyang fan na si Wilma Diguangco, "Naiyak talaga ako literal kasi pagkita ko sa kanya, tumulo na ang luha. Basta, sobrang surreal, alam mo 'yun." "Kasi, magaling siya mag-act. At saka favorite ko siya from Lost and The Vampire Diaries. Ever since Lost, inaabangan ko na siya, kaya lang namatay na siya doon e," dagdag ni Diguangco. Lubos ding natuwa ng isa pa niyang tagahangang si Dinah Manzano. "He's not only a good actor, he's not only good looking, but because he has a cause." "At saka, hindi siya 'yung klase na actor na fake na once lang tutulong sa charity. What he did, he made a cause [for] para siya talaga 'yung mag-spearhead nung foundation na 'yun para makatulong siya sa mga tao. Hindi lang niya 'yun ginagawa for tax deduction." Ian loves the Philippines and sinigang Inihayag ni Bernie Liu ng Penshoppe na lubos na natuwa ang aktor sa bansa. "He was awed by the beauty of the Philippines. He loves Manila. He was very impressed by Palawan," aniya. "He loved the food. In fact, he had two servings of sinigang," kuwento ni Liu. "Penshoppe hosted a Filipino dinner for him, he loved it." Nauna nang inihayag ng aktor ang kanyang pagnanais na matikman ang ilang pagkaing Pilipino. Samantala, sa kanyang personal na Twitter account, inihayag ng aktor ang kanyang pagkasabik sa kanyang pananatili sa Pilipinas. Lilipad na patungong Europe ang aktor ngayong Huwebes ng gabi matapos ang halos isang linggong pananatili sa bansa. Dumating si Somerhalder sa bansa noong Sabado ng gabi. Up next? Si Somerhalder ang pangatlong celebrity ng Penshoppe All Stars na dumalo sa bansa kasunod ang mga sikat na aktor na sina Ed Westwic at Mario Maurer. Ayon kay Lui, "He completes the list of All Stars, which is about the biggest super stars on tv and on movies. We started with Ed Westwick, and then we got Zac Efron, Asian superstar Mario Maurer, and now we got Ian." Sa hiwalay na panayam naman kay Alex Mendoza, brand director ng Penshoppe, inihayag niyang "swak" si Somerhalder sa kanilang market. "We've been following his show for a while. And alam namin 'yung fan following niya na swak sa market naming." Kabilang din ang aktor na si Zac Efron sa All Stars ngunit sa Los Angeles, USA naganap ang kanyang photoshoot. Ayon kay Liu, inaasahan nilang darating din si Efron sa Pilipinas ngunit "he's still a work in progress, we are working on that." Samantala, darating naman ang isa pang Hollywood na aktres na si Leighton Meester ngayong Biyernes para sa Philippine Fashion Week ngayong Sabado. "Tomorrow, Leighton Meester is going to arrive," dagdag ni Lui. — AE/ELR, GMA News