ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Amalia Fuentes, hinataw umano ng payong ng kanyang tenants
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Updated: Plano ng dating aktres na si Amalia Fuentes na kasuhan ng tangkang pagpatay ang dalawa niyang tenants dahil sa ginawa umanong pananakit sa kanya at sa kanyang anak. Sa ulat ng GMA News TVâs Balitanghali nitong Huwebes, sinabi ng dating aktres na nagpunta sila ng kanyang anak na si Jeric Stevens sa pinapaupahan nilang bahay para ibigay sa kanilang tenants ang photocopy ng mga tumalbog na tseke na ibinayad daw sa renta. Sa gitna ng pag-uusap, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang kanyang anak at kanilang tenants dahil sa ginawang pananakit umano ng mga tauhan nito. Ngunit maging si Amalia ay gusto raw saktan ng tenant kaya sinunggaban na ito ni Jeric. Habang nagkakagulo, hinataw umano ng payong si Amalia ng asawa ng tenant. Samantala, kinalabit naman daw ng isang driver ng tenant ang isang baril ngunit nagka-abelya ito. Sinusubukan pa rin ng GMA News na makuha ang panig ng mga mag-asawang tenant ni Amalia. Itinanggi ng mag-asawang Licup Pinabulaanan naman ng mag-asawang tenant ni Amalia na sina Peter Tan at Rosemarie Licup ang alegasyon sa kanila na hinambalos nila ng payong at sinaktan ang beteranang aktres nang sumugod ito sa inuupahan nilang bahay sa New Manila, Quezon City. Sa panayam ng GMA News 24 Oras nitong Huwebes, sinabi ni Gng Licup na sila ng kanyang mister na si Peter Tan ang sinaktan ni Amalia at anak nitong si Jeric. (Basahin: Tenants ni Amalia Fuentes, itinangging hinambalos nila ng payong ang dating aktres) - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News
Tags: amaliafuentes, annabellerama
More Videos
Most Popular