ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ex-lover ni Aiko Melendez, bagong inspirasyon ni Ara Mina?


Atubi pa si Ara Mina na aminin ang tunay na relasyon nila ngayon ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses, na dating nakarelasyon naman ni Aiko Melendez. Sa Startalk TX nitong Sabado, iniulat ang pagtatapos ni Ara sa kinuha nitong kurso tungkol sa culinary arts. Hindi naman nakaligtas sa paningin ng showbiz press si Mayor Meneses na nandoon din sa paaralan. Paliwanag ni Ara, nag-aaral din kasi doon ang kapatid ng alkalde. Pero sa pangungulit ng mga reporter, inamin din ni Ara na masaya siya ngayon sa kabila ng problemang kinakaharap niya sa kapatid na si Cristine Reyes. “Iano niyo muna ko (na makarating) sa altar…," biro ni Ara sa showbiz press. “Kaya yata ako hind magka-asawa dahil sa inyo… nauudlot,’ dagdag na biro niya. Humiling si Ara na huwag mangbanggit ng pangalan pero ikinuwento nito na first time daw na wala siyang narinig sa kanyang ina nang ipakilala niya ang lalaki. At nang tanungin kung ano payo ng kanyang nanay sa bago niya pag-ibig, sagot ni Ara: “Ingatan ko raw, alagaan ko… First time kong naringgan ang mommy ko ng ganun." Hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Aiko at Mayor Patrick na nauwi pa sa demandahan noong nakaraang taon. - FRJimenez, GMA News

Tags: aramina, aiko, meneses