ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mga kalahok sa Mutya ng Pilipinas, nagpatalbugan sa pictorial


Nagpatalbugan sa kagandahan at confidence ang mga kandidata sa 2012 Mutya ng Pilipinas beauty pageant sa isinagawang pictorial para sa kanila. Sa ulat ng GMA News TV’s Balitanghali, sinabing nagpaseksihan ang 30 kalahok suot ang kani-kanilang swimwear para sa naturang beauty pageant. Wala rin nais magpatalo sa mga kandidata pagdating sa pagandahan suot ang kanilang casual wear. Ilan sa mga kalahok ay mga Pinay na may dugong dayuhan, at mga lumaki sa ibang bansa. Mapapanood ang coronation night ng Mutya ng Pilipinas sa GMA-7 sa Agosto 12, 2012. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News