ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jake Vargas, nami-miss ang love team nila ni Bea Binene


Aminado ang tween star na si Jake Vargas na nalulungkot at nami-miss niya ang dating ka-love team na si Bea Binene ngayong hindi na sila magkasama sa programang 'Luna Blanca.'
 
"Siyempre po namimiss ko si Bea kasi nami-miss ko 'yong love team naming dalawa. Kaya sana may show na magkasama ulit kami [at] bumalik ulit [ang aming tambalan]," pahayag ni Jake sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng 24 Oras nitong Lunes.
 
Ang tween star na si Kristoffer Martin na ang bagong katambal ni Bea Binene sa GMA Telebabad primetime soap na 'Luna Blanca'.
 
Sa naturang balita, iginiit naman ni Jake na hindi siya nagseselos sa bagong katambal ni Bea.
 
Wika pa nito, "Kasi si Kristoffer kilala ko 'yan, eh. Olongapo rin yan, tapos sa Olongapo rin ako, magkabayan kami niyan ni Kristoffer, so okay lang sa akin."
 
 
Gayundin, hindi naman maiwasan ni Jake na makaramdam ng kaunting tampo dahil nakasanayan na nitong makatambal si Bea.
 
"Lagi naman po kasi kaming magkasama ni Bea, parang mawawala 'yong love team namin, so parang may konting tampo," sabi niya.
 
At dahil hindi sila masyadong nagkikita ni Bea, nagbigay na lang ng mensahe ang tween actor para sa aktres.
 
Aniya, "Bea, mag-ingat ka lagi. Pagbutihan mo lang 'yong work mo, 'yong trabaho mo. Basta ako nandito lang ako lagi para sa iyo as a friend and love team. Nandito lang kao lagi. Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako lagi para sa iyo.I miss you!"
 
Samantala, pinagkaguluhan naman si Jake sa 'Musikultura' na idinaos kamakailan lang sa Taguig City.
 
Kaya naman maging si Mayor Lani Cayetano ay nagulat kung paano pinagkaguluhan si Jake sa kanilang siyudad.
 
Kasama ng tween actor sa naturang event si German Moreno o mas kilala bilang si Kuya Germs.
 
Napapanood ang tween actor sa Party Pilipinas, Walang Tulugan, at mga personal appearance. Maliban dito, gusto na raw nitong maging busy muli ni Jake sa pag-arte. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News