ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Side A' vocalist na si Joey Generoso, nag-release ng solo album


Masaya ang 'Side A' vocalist na si Joey Generoso sa pag-release ng kanyang solo album. Isa raw ito sa mga pangarap ng mang-aawit. "It's a long time dream come true for me and natuloy na 'yong mga songs na gusto kong talagang i-record noon pa," wika ni Joey sa ulat ni Valerie Tan sa 'Balitanghali' nitong Martes. Gayunman, nilinaw ni Joey na hindi mabubuwag ang bandang Side A kahit may solo album na siya. Katunayan, todo raw ang suportang ibinibigay ng mga miyembro ng banda sa kanyang solo album. Mahirap na raw buwagin ang 25 na taong samahan ng kanilang grupo. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News