ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pamilya Quizon, ipagpapatuloy ang hangarin ni Dolphy na makatulong sa kapwa


Inihayag ng aktor na si Epy Quizon na lalo nilang nami-miss ang yumao nilang ama na si Rodolfo "Dolphy" Quizon. Ayon kay Epy, plano ng pamilya Quizon na ipagpatuloy ang hangarin ng comedy king na makatulong sa kapwa. "Hindi lang paggunita sa 40th day niya, 'di ba? Ito 'yong magiging mga obligasyon ng Dolphy Aid para sa foundation. This is what my father wants... is to help," pahayag ni Epy sa ulat ni Luane Dy sa Balitanghali nitong Huwebes. Sa nalalapit na ika-40 day nang pagpanaw ni Dolphy sa darating na August 18, simple lamang daw ang plano nilang gagawing paggunita. Magdaraos ang pamilya ng misa sa Heritage Park kung saan nakalibing ang pumanaw na komedyante. Hiniling din sa publiko ng pamilya Quizon na patuloy na mag-alay ng dasal para sa comedy king. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News