ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kilalanin ang 'Barako' boys ng Coffee Prince


Malapit nang makilala ang mga gwapo at machong “Barako Boys" sa nalalapit na pagsisimula ng Filipino adaptation ng hit Koreanovelang Coffee Prince. Sino kaya sa mga Barako boys ng Coffee Prince ang gusto mong magtimpla ng iyong kape? Ito ba ay si "super hot" na si Arthur (Aljur Abrenica), ang "pogi na may twist" na si Irvin (Boy2 Quizon), ang "tall and delicious" na si Leo (Fabio Ide), ang "siga na sweet lover" na si Baldo (Sef Cadayona), o ang "cutie at 100% girl" na si Andie (Kris Bernal). Samantala, magkakaroon ng live streaming ng press conference ng Coffee Prince ngayong Miyerkules, Oktubre 3, 2012 sa ganap na 7:00 p.m. sa Studio 7 ng GMA Network. - MMacapendeg/FRJ, GMA News