ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Disney actress na si  Anna Maria Perez de Taglé, magtatanghal sa Jonas Brothers concert ngayong Oktubre


Matapos ang 12 taon, muling bumalik ang Filipino-American singer at actress na si Anna Maria Perez de Taglé sa bansa para magtanghal bilang opening act sa gaganaping Jonas Brothers concert dito. Kwento ni Anna Maria, hindi na raw siya makapaghintay na mag-perform sa harap ng kanyang Filipino fans sa nasabing concert na gaganapin sa Manila at Cebu ngayong Oktubre 19 at 20. "It's going to be a concert you'll never forget. I'm going to be singing original songs, covers, and a song that I think the Filipinos will absolutely love," saad nito. Ayon sa ulat ni Lala Roque at Howie Severino sa “News To Go” nitong Lunes, kinanta ni Anna Maria ang Filipino song na “Ikaw,” na pinasikat ni Sharon Cuneta, sa kanyang meet and greet na ginanap sa isang mall sa Pasay. Nakilala si Anna Maria sa kanyang ginampanang role sa Disney Channel show na “Hannah Montana” bilang si Ashley Dewitt. Bumida rin siya sa palabas na “Camp Rock.” Si Anna Maria ay apo ng "Queen of Kundiman" na si Sylvia La Torre. Ayon sa balita, mananatili si Anna Maria sa Pilipinas hanggang Nobyembre para sa auditions ng Miss Saigon. — Mac Macapendeg/KBK, GMA News