Yam Concepcion on new ‘sex goddess’ tag: ‘It’s a heavy title to carry’
Mula sa mundo ng musika, susubukan naman ng dating drummer na si Yam Concepcion ang mundo ng pelikula. Sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabing mapangahas ang first movie project ni Yam sa Viva Films kung saan ipinakikilala siya bilang bagong “Sex Goddess." Miyembro at drummer ng bandang Ursa Minor si Yam bago niya pasukin ang pelikula. Nakapag-shooting na siya para sa movie na Rigodon sa ilalim ng direksiyon ni Erik Matti. Pero bago nito, ipinasilip na ni Yam ng kanyang alindog nang mag-pose siya ng sexy sa isang kilalang men’s magazine. Aminado ang bagong sexy star na ipinaliwanag niya sa kanyang nagulat na mommy ang ginawang pag-pose ng sexy sa FHM. Ayon pa kay Yam, pinaghandaan din niyang mabuti ang pagsabak sa pelikula kung saan sumailalim siya sa workshop. Wala daw siyang naging inhibisyon sa pagpapaseksi sa pelikula at naging matagal umano ang proseso kung papaano gagawin ang bawat eksena. Tungkol sa “new sex goddess" tag, sinabi ni Yam na hindi pa naman niya ito ramdam pero magsisilbing pressure daw sa kanya na nagsisimula pa lamang. - FRJImenez, GMA News