ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Breast feeding, bonding moment nina Katrina Halili at kanyang baby


Masayang ipinakita ng proud mommies na sina Katrina Halili at Sunshine Dizon ang larawan ng kanilang anak nang magguest sila sa Sarap Diva!, ang bagong show ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid. Gamit ang kanyang tablet, ipinakita ni Sunshine ang cute na cute na kids niya na sina Doreen, one year and six months old at si Anton, na four months pa lang. Hindi rin nagpahuli si Katrina na nagsilang noong Setyembre sa baby girl nila ni Kris Lawrence na si Katrence. Sa nasabing show, ipinakita ni Katrina ang mga litrato nilang magkasintahan kasama ang kanilang bagong baby girl. "Mahirap din talaga (na maging mom), siyempre given na ‘yon. Pero masarap ‘yong feeling na may baby. Masaya, masaya sa bahay," pahayag ni Katrina sa ulat ni Nelson Canlas sa Balitanghali nitong Martes. Aminado naman ang dalawang Kapuso stars na nadagdagan ang kanilang timbang mula ng maging mommies na sila. Pero kahit hindi na pang sexy magazine ang kanilang figure sa ngayon, ibang klaseng kagandahan naman daw na-discover nila nang i-give up nila ang kanilang mga career para sa kanilang mga anak. Kasalukuyang hands on moms ang dalawa at kakaibang tuwa raw ang nararamdaman nila tuwing kasama nila ang kanilang babies. Kwento pa ni Kat, ibang klase ang kanyang karanasan habang nagbe-breast feed para sa kanyang baby girl. "Full breast feed ako hanggang madaling araw. Gustong-gusto ko kaya nga ayaw kong mawala sana ‘yong breast feed kasi iba ‘yong feeling, eh, ‘yon yung tama na bonding namin tapos parang feeling mommy ka talaga pag nagbe-breast feed ka," saad ni Katrina. Samantala, malapit na raw magbalik showbiz sina Sunshine at Katrina. Kaya naman sa ngayon ay mas gusto muna nilang i-enjoy ang oras kasama ang kanilang babies. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News