ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ang tagumpay ni Miss International Queen Kevin Balot


Patuloy ang tagumpay ng 21-anyos na Pinay transgender na si Kevin Balot mula nang makoronahan siya bilang 2012 Miss International Queen kamakailan. Maraming pinagdaanang pagsubok ang beauty queen na tubong Tarlac bago niya makuha ang korona. Ilan na rito ang hindi pagtanggap ng kanyang ama sa pinili niyang kasarian at ang pagkahinto niya sa pag-aaral sa kursong practical nursing. Ngunit sa halip ng mawalan ng pag-asa, nanatiling matatag si Kevin. Sa pamamagitan ng pagmo-modelo at pagsali sa mga beauty contest, nagkaroon siya ng kita. Tatlong beauty pageants na ang sinalihan ni Kevin sa bansa at ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumali siya sa isang international na kompetisyon. Kwento pa nito sa kanyang live na panayam kina Luane Dy at Maria Bulaklak Ausente sa Unang Hirit nitong Lunes, "Actually, pinagplanuhan ito ng friends and manager ko. Tapos ang advice na binigay nila sa akin ay ‘wag daw ako mag-expect ng something from the pageant. “Kasi parang if you expect a lot it do invites more disappointments kapag ganon ang nangyari," dagdag nito. Maliban sa pagiging Miss International Queen, itinanghal din si Kevin bilang Miss Photogenic sa naturang kumpetisyon. Para sa ama Isa sa mga dahilan ng pagsali ni Kevin sa Miss International Queen ay kanyang hiling na matanggap ng kanyang ama. Hindi inasahan ni Kevin ang pagsorpresa sa kanya ng kanyang buong pamilya sa Thailand sa kasagsagan ng nasabing contest.  Ani Beth Balot, ina ni Kevin, sa ulat ni Isay Reyes sa Unang Hirit nitong Lunes, “Ito po talaga ‘yung dream na masalihan niya. Sinorprise namin si Kevin doon, hindi niya po alam na darating kami.” Maliban dito, isa sa kagandahan ng kanyang pagsali ay natupad ang kanyang hiling na matanggap ng kanyang ama ang kanyang sexual orientation.  "Okay na. It's fine. Ever since naman talaga okay na pero nung before meron talagang medyo complications kasi nga only boy. Parang nararamdam pa rin minsan gusto niya akong [maging lalaki],” saad ni Kevin. Mga Pinoy sa Miss International Queen  Mula nang magsimula ang naturang beauty pageant noong 2004, abot sa 37 na Filipino na ang lumahok para sa titulong Miss International Queen: tatlo noong 2004, lima noong 2005, walo noong 2006, lima noong 2007, apat noong 2009, lima noong 2010, tatlo noong 2011, at 4 sa taong 2012. Bagama’t marami sa mga dating sumali ang muntikan nang manalo, si Kevin ang unang pinalad na makauwi ng titulo. LGBT sa Pilipinas Isa sa mga adhikain ng nasabing pageant ang mailunsad ang karapatang pantao para sa mga miyembro ng LGBT (lesbians, gays, bisexuals, and transgenders). Kaya naman masaya ang grupong Ladlad sa karanagalan na ibinigay ni Kevin sa LGBT community at pati na rin sa bansa. “Ladlad Partylist is very proud of Kevin Balot for bringing the crown home for the Miss International Queen 2012 in Thailand. This triumph is not just for the LGBT Community but for the entire country,” pahayag ni Raffy Aquino, national treasurer ng Ladlad. Kwento pa niya, ang pagkapanalo ni Kevin ay nagmulat sa ilang Filipino sa ganda ng transgenders/transsexuals sa Pilipinas at pati na rin pagkakaroon ng international beauty contest na hindi lamang para sa mga “straight people”. Aniya, “Kevin Balot's victory raised awareness that there are international beauty pageants that are not just for the straight people but are for the LGBT community as well. At the same time, many Filipinos are so amazed with the beauty of our transgender sisters.” Reaksyon ng mga Pinoy Umani ng reaksiyon sa social networking sites ang pagkapanalo ni Kevin bilang Miss International Queen. Ang ilan sa mga ito ay ikinatuwa ang pagkapanalo ng kanilang kababayan at ilan naman sa dito ay nagbigay ng negatibong reaksyon ukol sa kanyang parangal.

Kwento ni Aquino, hindi naman madidikta sa mga tao ang kanilang magiging saloobin ukol sa naturang paksa. Ngunit hindi naman ito naging batayan upang hindi na bigyang karangalan ang pagkapanalo ng 2012 Miss International Queen. “There will always be different reactions and opinions regarding Kevin Balot's success may it be positive or negative primarily because  she is a part of the LGBT community and there are still some people who are not at ease with the idea,” pahayag ni Aquino “However, we would still like to focus on the positive feedback that Kevin's victory is something that we, as Filipinos, should be proud of,” dagdag nito. Sa ngayon, kaliwa’t kanan ang movie offers ni Kevin sa Thailand ngunit hindi niya ito tinanggap dahil under rule pa siya sa organisasyon ng Miss International Queen. — KBK, GMA News