ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Batikang direktor Celso Ad. Castillo, pumanaw sa edad na 69


Idineklarang dead on arrival ang batikang direktor na si Celso Ad Castillo sa isang ospital sa Pakil, Laguna. Pumanaw siya sa edad na 69. Ayon sa ulat ni Luane Dy sa Balitanghali nitong Lunes, hindi pa raw malinaw ang sanhi ng pagkamatay ng direktor ngunit dinala siya sa ospital matapos manikip ang kanyang dibdib. Mula pa noong 1965, nakagawa na ng mahigit 60 na pelikula ang batikang direktor na kinabibilangan ng "Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat Ng Lupa," "Patayin Sa Sindak Si Barbra," at "Burlesk Queen." — Mac Macapendeg/BM, GMA News