Sen. Bong Revilla, kumpiyansa sa 'power' sa takilya ng Si Agimat, Si Enteng, at Si Ako
Muling nagsanib ng puwersa sina Senator Bong Revilla Jr. at Vic Sotto sa film fest movie na Si Agimat, Si Enteng, at Si Ako. At sa pagkakataong ito, nadagdagan pa sila ng kakampi sa katauhan ni Judy Ann Santos. Ngunit bukod sa hatak ng tatlong malalaking bida, sinabi ni Sen Bong na mas pinaganda pa nila ang ikalawang pagkakataon ng pagsasama nila ni Vic. matapos ang unang Si Agimat at Si Enteng Kabisote noong 2010. "Excited na ako sa showing ng si Si Enteng, Si Agimat, at si AKO. Sa tingin ko it's going to be very very successful. I'm hopnig na magiging number one siya, at sana nga let's claim it," ayon sa actor-politician. Sa pagpasok ng 2013, excited na rin si Sen Bong sa bagong yugto ng kanyang showbiz career kung saan gagawa siya ng tewlevision series sa kauna-unahang pagkakataon sa GMA-7 na Indio. Nagpapasalamat ang senador sa GMA-7 dahil sa kanya ipinagkaloob ang pinakamalaking proyekto ng network sa 2013. Kaya naman, todo raw ang ibinibigay niyang pagsisikap para lalong mapaganda ang series. At kahit malaking artista na sa industriya, nag-acting workshop pa rin si Sen Bong sa ilalim ng primyadong direktor na si Laurice Guillen. "I want to improve my craft at gusto kong makita ng tao ibang Bong Revilla, eh. Hindi si Bong Revilla, eh, si Indio. Kaya 'yon ang makikita niyo dito," ayon kay Sen Bong. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News