ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

BB Gandanghari, madali raw naiugnay ang sarili sa 'Halik ng Tarantula'


Ipinasilip sa press preview nina BB Gandanghari at Jovie Monsod ang isang eksena sa socio-political drama story na 'Halik ng Tarantula.' -- kuha ni Mac Macapendeg. GMANews.TV
Hindi umano naging mahirap para kay BB Gandanghari na gampanan ang pangunahing karakter na si "Molina" ang Pinoy adaptation ng stage play na "Halik ng Tarantula," isang socio-political drama story na minsan na ring naisapelikula. Sa press viewing na ginanap sa Quezon City noong Miyerkules, sinabi ni BB na tila nga raw ginawa ang kwento ng "Halik ng Tarantula" para sa kanya. "Actually kaya nakakapagod siya [dahil sa emotions]. Pero sa ganda nung script, I just stick to the script and I let it affect me and my actors," pahayag niya. Gagampanan ni BB sa palabas ang karakter ni Molina, isang bakla na makukulong at magiging espiya. "I play the role of Molina. I play the spy doon sa selda. I'm spying the political prisoner who eventually I fell in love with, with Valentin," kuwento ni BB. Plano lang sana ni Molina na kumuha ng mga impormasyon kay Valentin pero sa huli ay mahuhulog ang loob nito sa kapwa bilanggo. Makakasama ni BB sa stage play sina Jet Alcantara at Jovie Monsod na gaganap bilang si Valentin. Ayon kay BB, madali niyang naiugnay ang sarili sa karakter ni Molina dahil pakiramdam niya ay isinulat ang kwento nito para sa kanya bukod pa sa mga linya. "When I' am already memorizing the script sabi ko 'oh my god! This feels so good' when you feel na parang isinulat sa'kin ni Mario Puig, di ba," aniya. "Ang ganda! So parang naka-identify talaga ako. Ang dami ko na pwede kong sinasabi on my own." Si Mario Puig ang nagsulat ng librong "Kiss of a Spider Woman," na siyang Pinoy adaptation ng "Halik ng Tarantula," na ipapalabas simula sa Marso 6 hanggang 9 sa T.E.A.T.R.I.N.O., Greenhills, San Juan. Bukod sa madali nilang nakuha ang kanilang mga karakter, sinabi ni BB na nakatulong din sa kanilang mga aktor na hindi nalalayo ang kanilang mga edad at madali silang magkakaunawaan. "So ang daling maka-identify tapos ang gaganda ng mga dialogue, walang butas. Ang ganda ng takbo, ang pagkakatahi ng buong story. So madali kang ma-involve, madali kang kunin nung buong eksena," saad nito. Sa press viewing, ipinasilip sa ilang miyembro ng media ang dalawang eksena na kasama sa dula. Makikita ang maraming emosyon na binibitawan at kinakatawan ng dalawang pangunahing karakter. Sinabi ni BB na araw-araw silang nag-eensayo at lagi niyang inihahanda ang sarili kapag pumasok na sa karakter ni Molina. "Kasi hindi ka naman pwedeng iiyak ako rito, tapos seryoso na ako. Kasi nag-uumpisa sa light, di ba? But, that's the beauty of the script, that's why I love doing it," aniya. Si BB mismo ang producer ng nasabing dula at sa ilalim ng direksiyon ni Soxie Topcio. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News