ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jennylyn Mercado, Lovi Poe may kani-kaniyang intimate scenes sa 'The Bride and The Lover'


Hindi naman daw nailang ang aktres na si Jennylyn Mercado nang kunan ang kanyang love scene sa kanyang bagong pelikulang "The Bride and the Lover" dahil tiwala raw ito sa kanilang direktor na si Joel Lamangan.

Wika pa ng aktres sa ulat ng Chika Minute ng 24 Oras noong Martes, "Ito kasi, mas passionate, kakaibang Jennylyn [at] kakaibang Lovi ang makikita nila dito."



Gayundin, ang naturang pelikula naman daw ang huling pagkakataon na gagawa ang aktres na si Lovi Poe ng intimate scenes.

Ani Lovi, "Ito na nga yong pinaka-extreme na ginawa ko na I cried. Gusto kong magpahinga sa mga ganitong eksena afterwards."

Makakasama rin ng dalawang Kapuso actress sina Paulo Avelino at Hayden Kho sa nasabing pelikula. — Mac Macapendeg/BM, GMA News