ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lorna Tolentino, gaganap bilang Edith Burgos sa isang indie film


Napili ang award-winning Kapuso actress na si Lorna Tolentino na gumanap bilang ina ng nawawalang aktibista na si Jonas Burgos sa isang indie film. Ito ay ididirekta ni Joel Lamangan.
 
Ayon sa ulat ng Balitanghali nitong Lunes, personal daw na pinili ng direktor si Lorna upang gampanan ang papel ni Edith Burgos, ang inang walang pagod na naghahanap ng hustisiya para sa kanyang anak.
 
Ang Kapuso actor na si Rocco Nacino naman ang nakatakdang gumanap bilang si Jonas Burgos. 
 
 
Noong April 28, 2007, dinukot umano ng mga sundalo si Jonas sa  Ever Gotesco Mall, Commonwealth Avenue sa Quezon City. Hanggang ngayon ay hindi pa rin lumilitaw si Jonas, bagamat iniutos na ng korte ang pag-iimbestiga sa mga sangkot umano sa pagdukot sa aktibista. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News