Heart Evangelista, nag-'Gwiyomi' kasama sina Chris Tiu, Moymoy at Roadfill
Sumali na rin ang Kapuso star na si Heart Evangelista sa ginagigiliwan ngayong K-pop hit na Gwiyomi/Kiyomi. Sa video na ini-upload sa Youtube channel ng comedy duo na Moymoypalaboy and Roadfill, makikita si Heart na gumagawa ng Gwiyomi craze habang nasa background naman ang mga kasama niya sa GMA show na "i-Bilib" na sina Chris, Moymoy at Roadfill. Nakalagay sa naturang video na ini-upload nito lamang Martes na: "with Heart Evangelista & Chris Tiu. Wala talaga sa plano pero napagkatuwaan naming gawin. I-Bilib!" Mayroong ng mahigit 11,785 views ang video na kinagiliwan naman ng mga nakapanood. Bukod kay Heart, mayroon din sariling version ng Gwiyomi si Kylie Padilla na star ng Kapuso afternoon soap na "Unforgettable." - FRJ, GMA News