ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Imelda Papin, napaiyak nang payagang makatakbong kongresista sa Bulacan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi napigilan ng "Jukebox Queen" na si Imelda Papil na maluha nang makakuha ng desisyon ng  Commission on Elections (Comelec) na nagbibigay sa kanya ng go-signal na tumakbong kongresista sa Bulacan sa darating na halalan. Binaliktad ng Comelec en banc ang naunang desisyon ng Second Division ng komisyon na nagdiskwalipika kay Imelda na kumandidato dahil sa usapin ng residency. “Nananalangin po kami lagi. Nagpapasalamat po ako sa Panginoon dahil dininig po niya ang aming panalangin. Maraming salamat sa Comelec na binigyan po ng agarang desisyon at ng katarungan ang isang San Joseno,” ayon sa batikang mang-aawit. Basahin: Kandidatura ng isa pang celebrity sa Mayo, namimiligro matapos idiskuwalipika ng Comelec Sa en banc decision, kinatigan ang paliwanag ng kampo ni Imelda  tungkol sa paninirahan nito sa kinukuwestiyong address.  Binigyan din ng halaga ng en bacn ang sertipikasyon na ipinalabas ng barangay chairman at affidavits ng may 30 testigo na nagpapatunay na residente ng San Jose Del Monte City sa Bulacan si Imelda. “While the aforementioned documents may vary on dates… it cannot be said that the respondent has not developed any ties to said city and that she is a resident thereof within the requirement provided for by the law,” nakasaad sa desisyon. Maging si Commissioner Lucenito Tagle ng kasapi ng Second Division ay umayon sa inihaing paliwanag ng kampo ng singer. — FRJ, GMA News