Rivermaya, front act sa Aerosmith concert
Ang bandang Rivermaya ang magsisilbing front act sa inaabangang concert ng Grammy award winning rock band na Aerosmith para sa kanilang pagtatanghal na gaganapin ngayong Mayo 8 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City. Maagang dumating sa bansa ang Aerosmith upang makapag-ensayo at makapag-adjust sa klima dito sa Pilipinas. Basahin: Bandang Aerosmith, maagang dumating sa bansa para sa kanilang concert Samantala, sa Pilipinas na lamang magtatanghal sa Asya ang Aerosmith matapos kanselahin ang kanilang concert sa Jakarta, Indonesia dahil sa usapin ng seguridad. Basahin: Aerosmith cancels Jakarta concert: promoter Nauna nang inihayag ng legendary rock group ang kanilang pananabik na makapagtanghal sa kanilang Pinoy fans. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News