ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pinagmulan ng 'nude photos' ni Marjorie Barretto, inaalam na


Tukoy na umano ng kampo ni actress-turned-politician na si Marjorie Barretto kung sino ang mga blogger na nag-post sa internet ng mga kontrobersiyal na larawan nito. Inaalam na rin ngayon kung sino ang pinagmulan ng mga nasabing litrato.   Basahin: Marjorie Barretto to take legal action against posting and reposting of her 'nude photos' Sa ulat ni Lhar Santiago sa "Chika Minute" ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabi nito na bakas ang kalungkutan sa mukha ni Marjorie nang puntahan ang kanyang abogado na si Atty. Lorna Kapunan.   Sa pakikipag-ugnayan umano ni Kapunan sa National Bureau of Investigation (NBI), natukoy na ang mga blogger na nagpost sa internet ng mga litrato, at dalawa raw sa mga ito ay nasa labas ng bansa.   Nagbabala naman si Kapunan na hindi sila mangingiming kasuhan ang iba pang magpopost ng larawan ng dating aktres na konsehal na ngayon ng Caloocan.   Tumanggi naman si Marjorie na magbigay ng pahayag tungkol sa kontrobersiya.   Pero may hinala na umano ang kampo nito sa posibleng pinagmulan ng mga larawan na ikinalat sa internet. - FRJimenez, GMA News