ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Julia Barretto, tiwalang malalampasan ng inang si Marjorie ang 'photo scandal'


Inihayag ng 16-anyos na anak ni Marjorie Barretto na si Julia na ayaw nilang magpaapekto sa mga kontrobersiyang nangyayari sa kanilang pamilya, maging sa kontrobersiyal na larawan ng kaniyang ina na kumalat kamakailan sa internet. Nakapanayam ng showbiz reporter na si Nelson Canlas si Julia sa launching ng isang produktong iniendorso ng teen star. Basahin: Marjorie Barretto explains conflicting statements on nude photos "My mother is super strong and I admire her strength and we all know naman na the truth... and wala, malalampasan 'yon," pahayag ni Julia sa "Chika Minute" ng 24 Oras  news nitong Miyerkules. Inihayag din ng teen star na ayaw nilang makisali sa gusot ng kanyang ina at mga tita na sina Gretchen at Claudine, gayundin ang kanyang lola Inday. Abala daw siya sa trabaho at nami-miss na niya ang lahat. Basahin: Mrs. Inday Barretto defends Claudine; calls Gretchen 'a liar' Nauna nang nakapanayam ng media ang nakatatandang kapatid ni Julia na si Dani at inihayag niya na umaasa siyang maaayos na ang gusot sa kanilang pamilya. Mahal daw nila ang lahat kaya wala silang nais panigan sa nangyayaring iringan sa mga nakatatandang Barretto. - FRJimenez, GMA News