ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Exclusive contract ni Richard Gutierrez sa GMA Network, nagtapos na


Kinumpirma ng isang opisyal ng GMA Network na nagtapos na nitong Mayo ang kontrata ni Richard Gutierrez bilang exclusive Kapuso artist. Ang hindi pag-renew ng kontrata ay itinuturing pagkakataon ni Richard para makapagpahinga ng matagal matapos ang 11 taon ng tuloy-tuloy na pagtatrabaho. Kabilang sa mga planong gawin ng aktor habang wala sa showbiz ay kumuha ng filmmaking.   "I plan to go to school, yes. Pero until now hindi pa ako nakakapag-decide kung saan talaga ako mag-aaral or anong school," pahayag nito sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng 24 Oras nitong Miyerkules.   "So ngayon, after this movie I'm gonna take a break and just see kung saan ko talaga gusto..." dagdag pa ng aktor na katambal ni Marian Rivera sa pelikulang My Lady Boss,   Samantala, suportado naman ng GMA Network ang plano ni Richard na magbakasyon sa show business.   Ayon kay Butch Raquel, Consultant ng Corporate Communications ng GMA Network, nagpapasalamat sila sa magandang 11 taon na pananatili ng aktor bilang exclusive Kapuso talent at sinusuporatahan nila ang kanyang mga plano matapos ang nasabing break.   Nagtapos ang kontrata ni Richard sa GMA noong Mayo 28, 2013 at kasalukuyan itong isang freelance actor.   Narito ang kumpletong pahayag ng GMA Network:   “The exclusive television contract of Richard Gutierrez with GMA Network expired on May 28, 2013.   As mutually agreed upon by both parties, Richard is now a freelance actor for television and still has a live contract with GMA Films.   We thank him for the 11 years of being an exclusive Kapuso and wish him well in his future endeavors.”   Last project   Gayundin, ang huling proyekto ni Richard sa showbiz ay ang pelikula nitong "My Lady Boss" kung saan kasama nito ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera.   Ayon pa sa aktor, excited siya para sa pelikulang ito at sinigurado rin nitong magugustahan ng mga manonood ang kanilang pinagbibidahang pelikula ni Marian.   "Feeling ko mag-eenjoy yong mga taong manonodo dahil 'yon nga matagal nila kami hinid nakita ni Marian at itong pelikula namin sinigurado namin na matutuwa sila, mag-eenjoy sila 'pag nanood sila," ani Richard.   Sarah Lahbati   Samantala, tumanggi naman si Chard na magsalita sa mga personal na tanong tulad ng balitang buntis umano ang kasintahan nitong si Sarah Lahbati.   Wika pa ni Richard, "Sarah is doing well. She will come back soon and haharapin niya lahat ng mga balita. So abangan niyo na lang kung kelan siya babalik but I'm guaranteeing that she will come back soon and she will answer all the questions for you guys [the press.]"   Kasalukuyang nasa Switzerland si Sarah. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News