ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kuya Germs, tinuldukan ang isyu tungkol sa umano'y 'photo scandal' ni Jake Vargas


Kasabay ng paglilinaw tungkol sa kumakalat na litrato ni Jake Vargas na nakahubad habang nasa kama, ibinisto rin ni German "Kuya Germs" Moreno ang tunay na namamagitan kina Jake at kapwa Kapuso teen star na si Bea Binene. Sa panayam ng Startalk TX nitong Sabado, ipinaliwanag ni Kuya Germs na ang kumakalat sa internet na larawan ng kanyang talent na si Jake na nakahubad habang nasa kama, at may kasamang babae ay kuha sa isang resort sa Olongapo. Taga-Olongapo si Jake at doon nag-outing ang aktor kasama ang mga kaibigan. Walang nakikitang masama o malisya si Kuya Germs sa larawan dahil katuwaan umano ito ng magkakaibigan na biglang kinunan ng larawan ang aktor na bagong gising nang sandaling iyon. "Nakita ko na 'yon, wala namang masama na nakita dun sa picture," ayon sa star builder. " "Magpapakuha ba siya ng makakasama sa kanya, siyempre hindi." Basahin: Jake Vargas denies he is leaving GMA-7 and manager German Moreno Ang mga tao na lamang umano ang nag-iisip ng masama ang nais maglagay ng malisya sa larawan. Hindi rin umano nobya ni Jake ang babae na kasama nito sa larawan. Nang tanungin si Kuya German kung sino ang girlfriend ni Jake, tugon niya: "Girlfriend? ang girlfriend niya si Bea (Binene). Hindi naman itinanggi ni Kuya Germs na pinag-awayan ng dalawa ang naturang larawan. "Di ba minsan ininterview ko galit bati, galit bati (sina Bea at Jake). Siyempre merong pagtatanong di ba, ano siya concern din si Bea, sisitahin si Jake, tatawanan lamang ni Jake so, bati na naman sila, ayun," lahad ni Kuya Germs. Hindi rin daw apektado at ayaw na rin ni Jake na patulan ang tungkol sa isyu," dagdag pa niya. - FRJimenez, GMA News