ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mario Maurer at Baifern Pimchanok, gustong puntahan ang Palawan at Boracay


Magkasamang dumating sa bansa ang kilalang Thailand love team na sina Mario Maurer at Baifern Pimchanok para sa fan conference ng Pinoy clothing brand na Penshoppe na idinaos nitong Linggo.
 
Ilang beses nang nakapunta ang kilalang Thai actor sa bansa habang ito naman ang unang pagkakataon na nakabisita si Baifern.
 
"What I love about the Philippines, first of all, is the people. You guys are very nice, you know, to me," pahayag ni Mario sa ulat ni Aubrey Carampel sa Chika Minute ng 24 Oras noong Linggo.

 
Wika naman ni Baifern, "I'm very excited and surprised that I have many fans here."
 
Samantala, marami na raw naikwento si Mario kay Baifern tungkol sa bansa. Gusto rin daw niyang tikman ang adobo, ang paboritong Pinoy food ng aktor.
 
Gayundin, kung may oras pa, gusto ring mapuntahan ng dalawang Thai superstars ang ilang tourist spots sa bansa tulad ng Palawan at Boracay.
 
Gusto rin daw nilang makagawa ng proyekto sa bansa at posibleng makatambalan silang ulit lalo pa't napag-uusapan na ang pagkakaroon ng ikalawang yugto ng "Crazy Little Thing Called Love," ang pelikula kung saan sila unang nakilala bilang magkatambal. —Mac Macapendeg/KG, GMA News