ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Lawrence at Katrina Halili, magpapakasal na kaya ngayong 1-year-old na si Katrence?


Pinaplano na nina Katrina Halili at Kris Lawrence ang selebrasyon para sa unang kaarawan ng kanilang baby girl na si Katrence na may tema na "Candy Crush," isang cellphone game.   Ayon sa ulat ng "Balitanghali" nitong Huwebes, ilan sa mga imbitado sa naturang selebrasyon sina "GMA Primetime Queen" Marian Rivera, "Bad Boy On The Dancefloor" Mark Herras, at ilan pang mga kaibigan na kapwa artista.   Gayundin, masaya raw si Katrina sa pagiging hands on na ama ni Kris kay Katrence.   Nang tanungin naman kung magpapakasal na ang dalawa, "chill" muna ang sagot ng Kapuso actress.   "Ako yong unang nag-joke niyan [kasal], diba [nong] 2008 na pakasal na tayo. Pero ngayon siyempre, mature-mature na tayo. Pero wait lang, relax na muna tayo. Chill," anang aktres. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News