ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera, nag-enjoy sa pictorial kasama sina Angel, Anne, Judy Ann at Charlene


Lima sa pinakasikat na mga aktres sa bansa ngayon ang nagsama-sama para sa cover photo ng latest issue ng isang lifestyle magazine. Kabilang sa mga aktres na ito ang dalawang naging "Darna" ng GMA-7 na sina Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at si Angel Locsin. Kasama nina Marian at Angel sa cover ng Rogue Magazine sina Anne Curtis, Judy Ann Santos at Charlene Gonzales. Sa video ng photo shoot, kitang-kita na nag-enjoy si Marian kasama ang mga aktres na mula sa ibang TV network. At kahit pare-parehong sikat, sinabi ni Marian na walang sapawan na nangyari sa kanilang photo shoot. "Happy ako na makatrabaho sila kasi ibang experience 'yon. Ang importante, ang kinalabasan ng shoot maganda," anang Kapuso star. -- FRJ, GMA News

Tags: marianrivera