ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Love life at umano'y picture ng 16-anyos na gf ni Freddie Aguilar, pinag-usapan ng netizens


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mainit na pinag-uusapan ngayon ng netizens ang pag-amin ng 60-year-old legendary folk singer na si Freddie Aguilar na 16-anyos lang ang babaeng nagpapasaya sa kaniya ngayon. Tila nakadagdag pa sa interes ng publiko ang paglabas sa internet ng umano'y larawan ng dalagita.

Sa social networking sites na Facebook at Twitter, nagbigay ng kani-kanilang reaksiyon ang netizens sa malaking agwat ng edad nina Freddie at ng babae na hindi niya pinangalanan sa ulat na lumaba sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Miyerkules.

Basahin: 60-year-old legendary singer Freddie Aguilar admits to dating 16-year-old girl



Gayunpaman, nitong Huwebes, ilang larawan ni Freddie na kasama ang sinasabing babae ang kumalat na rin gayon sa Internet. Sa larawan, makikitang magkayap at may kuha rin na naghahalikan ang dalawa.

Wala pa namang kumpirmasyon mula kay Freddie kung ang babae sa larawan ang bago niyang kasintahan.

Marami sa mga komento ng netizens ang nagpahayag ng pagkagulat sa napakabatang karelasyon ni Freddie. Mayroon din namang humanga sa batikang singer na nagpasikat sa maraming awitin gaya ng "Anak."

Kung tutuusin, hindi naman na bago kay Freddie na makipagrelasyon sa babaeng mas bata sa kaniya.

Ayon sa singer, 17-year old lang nang maging girlfriend niya ang kaniyang naging ikatlong asawa niya kaya minsan na siyang nasabihan na "cradle snatcher."

"Nasabihan na akong ganyan dati (na cradle snatcher). "Di ba, doon sa third wife ko? She was only seventeen nang maging girlfriend ko rin," pag-amin ng singer.

Sa kabilang ng  mga puna sa kaniyang bagong pag-ibig, wala naman balak si Freddie na umatras.

"Okay naman. Kaya lang, baka kung anu-ano na naman ang maging ciriticism sa akin," aniya.
"Pero, na-in love ako, what can I do?"

                                                                                                        -- FRJimenez, GMA News