ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maegan Aguilar, ipinagtanggol ang ama na si Freddie Aguilar


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ipinagtanggol ng singer na si Maegan Aguilar ang kanyang ama na si Ka Freddie Aguilar, 60, matapos nitong aminin ang pakikipagrelasyon sa isang 16-anyos na babae.
 
“Mahigit na sa isang dekadang hiwalay si Tatay sa Nanay namin. Anim kaming magkakapatid at sa tingin ko’y wala siyang naging pagkukulang bilang AMA namin,” pahayag ni Maegan sa isang Facebook post nitong Huwebes ng gabi.

 
“None of us are liars or corrupt like most people around us… Desisyon nilang dalawan ‘yun  - walang nagpilit sa kanila na maging sila… SO, ANO’NG PROBLEMA NIYO? Kasi INAMIN NI TATAY? Ano’ng masama dun? Ano’ng masama kung nagpakatotoo siya?” dagdag pa ni Maegan.
 
Matapos tumanggap ng Lifetime Achievement Award mula sa 5th Star Awards for Music, inamin ni Ka Freddie sa showbiz press na girlfriend niya ang 16-anyos na dalaga na kasama niya sa awards night.
 
Mabilis na kumalat sa internet ang pahayag na ito ni Ka Freddie at ganoon din kabilis ang pagdagsa ng komento at reaksyon mula sa netizens.
 
Pagtatanggol pa ni Maegan, nabubuhay lang umano ang kanyang ama sa pamamaraang gusto nito at hindi sa dikta ng iba. Aniya, hindi na rin bago ang pagkakaroon ng relasyon ng mga rock star katulad ng kanyang tatay sa mas bata sa kanilang edad.
 
“Freddie Aguilar, Pepe Smith, Frank Sinatra, Elvis Presley etc etc… ANO BA MGA ASAWA NIYAN??? Kasing edad ba nila? Mas matanda bas a kanila??? Anong point ng ROCKSTAR or ng KING kung hindi sila mabubuhay according to their rules, or if not live by BENDING THEM… KAYA NGA DI TUMATANDA TATAY KO E,” paliwanag nito sa mga nagcomment sa kanyang post.
 
Samantala, ilang kaibigan naman ni Maegan ang nagpahayag din ng suporta sa kanyang mga sinabi. Pinaalalahanan din ng mga ito na maghinay-hinay ang singer para maiwasan ang stress dahil buntis ito.
 
Pero ayon kay Maegan, imbes na ma-stress, natutuwa ito sa kanyang ginagawa na tinawag niyang “bash theraphy.”
 
“I’M REALLY ENJOYING THIS. It’s better than my Bollywood DVD Marathon at the moment at nakakalimutan kong may fever and asthma rin ako now, oh diba!!! BASH THERAPHY KUMBAGA!!!” aniya. --  RRDinglasan/FRJ, GMA News