Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ilang 'hula' sa ending ng My Husband's Lover, tumama; finale, trending topic sa Twitter


Pagpaparaya at pagtanggap sa taong minamahal ang tila naging mensahe sa pagtatapos ng itinuturing mapangahas na Kapuso series na My Husband's Lover na tinutukan ng mga manonood mula sa unang araw nang ipalabas ito hanggang sa pagwawakas nitong Biyernes.   Katunayan, muling naging tending topic sa social networking site na Twitter ang finale ng My Husband's Lover na tumanggap ng mga papuri at pasasalamat mula sa netizens.   Noong nakaraang Hulyo, ilang araw makaraang ipalabas sa GMA-7 ang serye, inalam ng GMA News Online ang pananaw ng ilang stars at maging ng ilang tagasubaybay ng MHL kung papaano sa tingin nila magtatapos ang programa na umikot sa buhay ni Lally (Carla Abellana), bakla niyang mister na si Vincent (Tom Rodriguez) at lihim nitong nobyo na si Eric (Dennis Trillo).   Nang panahong iyon, wala pang nakakaalam sa magiging katapusan ng kuwento nina Lally, Vincent at Eric, -- kahit na ang miyembro ng cast -- ilan sa kanilang huling o hangad na ending ang tumugma -- na magpaparaya si Lally at magkakaroon ng bagong iibigin, habang magkakasama naman sina Vincent at Eric.   Balikan: Papaano magwawakas ang love story nina Lally, Vincent at Eric sa 'My Husband's Lover'? *Si Lally ang magpaparaya -- Bettina Carlos   Para kay Bettina, gumaganap bilang si Vicky na best friend ni Lally,  magiging mahirap para sa mga bumubuo ng programa ang pagtatapos nito dahil kailangan nilang maging mas maingat sa mga ipapalabas at sa gagawing takbo ng istorya.   "Naglolokohan na lang kami na siguro si General (Roi Vinzon) kaya galit sa bakla, kaya ayaw niya maging bakla anak niya kasi bakla rin siya [at] napilitan din siyang mapangasawa si Miss Kuh (Ledesma), ganyan," kwento niya.   Ngunit kung siya raw ang gagawa ng ending ng istorya, sinabi ni Bettina na nais niyang si Lally ang magpalaya kay Vincent.   "From Lally's point of view—let my husband go kasi if that's his orientation, if that is what his heart is dictating I'll let him be. Kasi hindi ako mabubuhay knowing na iba yung hinahanap ng puso ng asawa ko," paliwanag niya.   *Sana happy lahat -- Carla Abellana   Hindi naman makapagdesisyon si Carla Abellana sa kaniyang bersyon sa kung papaano dapat magwakas ang My Husband's Lover. Ito'y  dahil na rin sa mga institusyon na kailangang bigyang pansin tulad ng Simbahan Katoliko, at lesbians, gays, bisexuals, transgenders (LGBT) community.   "Sana happy lahat but that's too perfect," aniya. "Although before naman sa story conference pa lang ng My Husband's Lover, napag-usapan kung ano yung magiging ending... It will change definitely depende sa response ng mga tao." Dagdag pa niya, "Siyempre, gusto natin perfect ending, lahat masaya pero hindi posible. Not everybody will be pleased kasi basically if Vincent and Lally end up together, ang mga gays parang mahu-hurt sila, magiging bitter sila because at the end of the gay pa rin talaga si Vincent."   "If we end up with Vincent and Eric, magagalit naman sa'tin ang simbahang Katoliko. Kasi may marriage. Sa totoo lang, it's a big question mark kung paano matatapos ang My Husband's Lover pero sana lang majority will be happy," pagtatapos nito.   *Magkaroon ng acceptance -- Tom Rodriguez   Bagama't ayaw pangunahan ni Tom Rodriguez  ang magiging ending ng My Husband's Lover,  nais daw niyang makita na magkaroon ng "acceptance" sa tatlong pangunahing karakter ng programa.   "A version where there will be some sort of acceptance although it will be hard for Lally's part kasi she spent years being lied to na atleast for Vincent— to be able to accept himself kasi although he is a family man, kaya pa rin naman niyang panindigan ang family niya," paliwanag ni Tom.   "At the same time wala siyang niloloko, inaapakang ibang tao kasi 'yon yung ginagawa niya ngayon, eh," dagdag ni Tom.   *Maghihiwalay sina Lally at Vincent -- Meigh, 28, Mother of two   Dahil talagang totoong nabubuhay ang mga third sex o lesbians, gays, bisexuals, transgenders (LGBT) sa mundo, gusto kong maghiwalay sila nang tuluyan dahil hindi kayang panindigan ni Vincent na maging tunay na asawa o husband kay Lally.   *Vincent-Eric, Lally with new lover -- Ramir, hairstylist Mas gusto ko sina Eric at Vincent ang magkatuluyan kasi soulmate sila kahit nung simula pa lang (istorya). Si Lally, bigyan na lang ng ibang lover, yung tunay na lalaki na gusto niya. Balikan: Ending ng 'My Husband's Lover,' iimbestigahan ng Kongreso? Trending hanggang wakas   Samantala sa mga post sa Twitter, umani ng papuri at pasasalamat mula sa netizens ang My Husband's Lover, at may mga nagpahayag na mami-miss nila ang gabi-gabing pagtutol sa kakaibang programa na ibinigay ng GMA Network. Balikan: Netizens rave over 'My Husband’s Lover' pilot episode   Kasabay nito, marami rin ang nanghinayang at nalungkot nang hindi maipalabas sa huling bahagi ng serye ang inaabangang kissing scene nina Dennis at Tom. (Basahin: Tom Rodriguez disappointed over non-airing of kissing scene with Dennis Trillo in My Husband's Lover)                                                                                                                                               -- FRJimenez, GMA News