Int'l Playboy Playmates, hanga sa ganda ng Pinas
Nasa bansa ngayon ang mga Playboy playmate na mula sa iba't ibang bansa para sa kanilang "Playmate World Gala" na idaraos ngayong Huwebes sa isang kilalang hotel and casino sa Pasay City.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa "Balitanghali" nitong Miyerkules, sinabi nito na humanga ang mga playmate sa ganda ng bansa at kabaitan ng mga tao.
"I enjoy everything, really. I enjoy the people, I love these people. I really like to come back one day and enjoy your food," sambit ni Raluca Alexandra Tonu mula sa Romania.
Wika naman ni Anamaria Frlan, "For me, it's an exotic country... It's a very beautiful experience for me."
Hindi naman ito ang unang pagkakataon ni Latvian Playmate Zane Helda na makabisita sa Pilipinas na inilarawan niyang paraiso.
"I love the Philippines! I have been here before two years ago for three weeks in the holidays here and it's so amazing. It's like a paradise for me. I love this country, I love the people, I love how kind a polite they are. I will come here a lot!"
Ilan sa mga nabisita ni Zane ay ang Boracay, Cebu, at Bohol at ilan sa mga hindi nito malilimutan ay ang mga tarsier.
Kaya naman labis din siyang nalungkot sa trahedyang sinapit sa Bohol at Cebu.
Samantala, ginagampanan naman ng husto ng Pinay playmate Jobie Quinn ang kanyang papel bilang host sa international Playmates.
"Pinapakita ko 'yong pagiging sweet and loving Filipina and caring sa kanila. Kaya sabi nga nila, mapagmahal daw 'yong mga Filipino," saad niya. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News