ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'My Husband's Lover' cast, nakaalis na ng bansa papuntang Amerika para sa kanilang concert tour


Lumipad na papuntang Estados Unidos ang cast ng hit Primetime serye ng GMA Network na "My Husband's Lover" para sa kanilang concert tour.
 
Kasama rito sina Tom Rodriguez, Dennis Trillo, Carla Abellana, Victor Basa, Pancho Magno, Kuh Ledesma, at Jonalyn Viray.

 
Ayon sa "Unang Balita" nitong Huwebes, excited na ang cast dahil maraming Pinoy na naghihintay sa kanila. 
 
Samantala, mabibili sa naturang concert ang MHL merchandise tulad ng t-shirts, DVDs, at ang TomDen album. Gayundin, 20 na araw nilang iikutin ang anim na lungsod sa Amerika. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News