ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Alden Richards, kinabahan kay Robin Padilla
Itinuturing na malaking karangalan ng Kapuso heartthrob na si Alden Richard ang makatrabaho ang action star na si Robin Padilla.
Magkasa ang dalawa sa pelikulang "10,000 Hours," na kasama sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Disyembre.
Sa "Chika Minute" ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, aminado si Alden na kinabahan siya nang makatrabaho si Robin.
Pinagbutihan daw ni Alden ang kaniyang pagganap sa nakababatang karakter na ginampanan ni Robin na isang senador.
Samantala, nagpahayag naman ng matinding paghanga si Robin kay Alden dahil maayos umano itong katrabaho at magalang sa set.
Labis na ikinatuwa ni Alden ang mga narinig na papuri mula kay Robin na kaniya umanong idolo. -- FRJ, GMA News
Tags: aldenrichards, robinpadilla
More Videos
Most Popular