ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Jessica Sanchez, itinuturing na ikalawang tahanan ang Pilipinas
Ang Pilipinas ang itinuturing na pangalawang tahanan ng "American Idol" alumna na si Jessica Sanchez at lalo raw itong nakaramdam ng pagmamalaki ng awiting niya ang "Lupang Hinirang" sa huling laban ni Manny Pacquiao laban kay Brandon Rios.
"I kinda just told myself this is for my people. I want to make my people proud," ani Jessica sa ulat ni Lhar Santiago sa "Chika Minute" ng "24 Oras" nitong Lunes.
Kasabay nito, inihandog ng Filipino-American singer ang kantang "Lead Me Home" na kabilang sa "Songs for the Philippines" album bilang tulong upang makalikom ng pera na maaaring gamitin sa pag-agapay sa muling pagbangon ng mga biktima ng bagyong Yolanda.
Wika pa nito, "It's the perfect song for the devastations that happened in the Philippines."
"'Lead Me Home' is kinda like, you know, I'm coming back to my second home, lead me to my second home which is the Philippines, to go back to my people, to give back, and to be there for them," dagdag nito.
Samantala, ngayong Martes ang nakatakdang pagbalik ni Jessica sa Estados Unidos upang ipagdiwang ang Pasko kasama ang pamilya. Ibinalita rin nito na babalik siya agad sa Pilipinas. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
Tags: jessicasanchez
More Videos
Most Popular