ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Taguig Rep. Lino Cayetano, ikinasal na sa dating Ateneo volleyball player
Ikinasal na ang television director turned politician na si Taguig Rep. Lino Cayetano sa kaniyang nobya na si Fille Cainglet, dating volleyball player ng Ateneo University.
Sa Facebook at Twitter account ng kaniyang kapatid na si Sen. Alan Peter Cayetano, binati nito ang kapatid at inilagay ang larawan ng kasal ng dalawa.
GOD's Divine Gift!Someone,The One, To Live Your Life With!Congrats Lino & Fille!You Did It!GOD Bless Your Marriage! pic.twitter.com/IjVVYefq8f
— Alan Peter Cayetano (@alanpcayetano) December 27, 2013
Sa isang text message, sinabi ni Sen. Cayetano na hiniling ng bagong kasal na huwag munang ibigay ang mga detalye ng naturang kasalan na ginanap ngayong Biyernes.
Gayunman, sinabi ng senador na pili lamang ang dumalo sa kasal na pawang miyembro ng dalawang pamilya.
"Couple wanted really intimate wedding," ayon kay Sen. Cayetano.
Bago ang relasyon sa 23-anyos na si Fille, naugnay na muna ang 35-anyos na si Rep. Lino sa ilang celebrity gaya nina KC Concepcion at Bianca Gonzalez.
Sa isang artikulong lumabas sa PEP.ph kamakailan, sinabi ni KC na masaya siya para sa dating nobyo.
“I’m happy for him na, finally, nakahanap siya ng babae," masayang pahayag ng aktres sa ulat.
“Siguro nahanap na rin ang katapat niya. Nakahanap siya ng match para sa kanya. I’m happy for him," dagdag nito. -- FRJimenez, GMA News
More Videos
Most Popular