ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards, hindi nangangamba kay Dingdong sakaling may love scenes sila ni Marian sa 'Carmela'


Excited na raw ang Kapuso heartthrob na si Alden Richard na sumabak sa taping kasama ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera para sa inaabangang serye, na "Carmela."

Sa panayam ni Aubrey Carampel sa GMA news "24 Oras" nitong Martes, sinabi ni Alden na nagkaroon na sila ni Marian ng ilang workshops at bonding moment para maalis ang ilangan kapag sinimulan na ang kanilang taping.

Dahil may pagka-mature ang role ni Alden sa "Carmela," sinabi ng aktor na handa naman siya sakaling may kissing scenes at love scenes sila ni Marian.



Nang tanungin kung hindi ba siya nangangamba sa magiging reaksyon ni Dingdong Dantes na boyfriend ni Marian, tugon ni Alden: "Kasi nakilala ko po si Kuya Dong na devoted din sa trabaho, devoted siya sa acting saka sa paggawa ng ganitong mga proyekto, so naiintindihan po niya ang mga kinakailangan gawin at dinedemand po ng script.

Ngayong 2014, ang magkaroon ng sariling bahay at negosyo ang mga ultimate goal daw ni Alden. Pero hindi raw kasama sa priority niya ngayon ang love life. -- FRJimenez, GMA News